Duterte Sponsors
Binago natin ng konti ang mga character sa orihinal na kwento. upang maihatid ang mensahe at ma ihulma sa ating kasalukuyang panahon.. Salamat sa inspirasyon sir panjo. :) Si Digong ay isang lamok na nangangarap maging bubuyog. Namangha kasi siya sa kakaibang kasanayan ng mga ito ng mag-cross pollinate ng mga bulaklak. Dahil iba ang anyo ng mga bubuyog minabuti na lang niyang pag-aralan ang mga kakahayan ng mga ito.
Kinutya siya ng sangkalamukan dahil imposible ang kanyang pangarap. Tinuran siyang baliw. Naging sentro siya ng tawanan. Ngunit hindi siya nagpadaig. Itinuloy niya ang kanyang mga pangarap bitbit ang lakas ng loob, tiwala sa sarili at sipag.
"Aanhin pa ang salitang pagbabago kung hindi gagamitin," nasabi niya sa sarili habang pinag-aaralan ang istraktura ng talulot at pollen. "Takot ang lahat sa pagbabago. Gusto lang nilang mabuhay sa nakasanayan".
Hindi nagtagal nagtagumpay si Digong. Nagawa niyang berde ang blue rose, gawing hugis tala ang yellow bell at pabungahin ng niyog ang kamatis. Noon, akala ng lahat ay imposible pero may katunayan na sa lahat ng pangarap ni Digong.
Dahil dito maraming humanga sa nagawa ni Digong. Umikot ang kaisipang liberal. Lumaganap ang ideyolohiyang pinaniniwalaan ni Digong. May mga lumantad na gustong sundin ang tapak niya. May mga lamok na lumapit sa kanya. Gusto nilang magaya ang kakayanan ng surot, putakte, hanep, ibon, kalabaw, kuto, bulate, Archaeopteryx at dinosaur.
Dahil sa pagkalat ng kaisipang liberal, natakot ang gobyerno na mawala ang kanilang kultura. Ang mag-iwan ng kiss mark sa kasingit-singitan ng katawan ng tao. Itinuring nilang rebelde si Digong. Ipinagkalat na siya ay may kapangyarihang itim at alagad ng diablong yellu. Ipinahunting nila si Digong sa lahat ng lugar. Ipinasara ang lahat ng paliparan, estero, bao, lata ng nido, sardinas, arinola, kaserola at bunganga. Subalit likas na matalino si Digong kaya hindi siya nahuli.
Nakaisip ng plano ang hukbong kalamukan, nagawa nilang ibrain-wash ang mga bubuyog at paru-paro na sa bilis magkangkangan ng mga lamok ay madaling mawawalan sila ng career kapag lahat ng lamok ay sumunod sa yapak ni Digong. Dahil dito, umatake ang mga bubuyog sa pamumuno ni General Panot. Nadakip si Digong habang pinag-aaralan kung paano mapapadami ang chicharong bulaklak.
Dinala si Digong sa Katol Chamber para katukin at isuko ang kanyang ipinaglalaban. Subalit nagmatigas si Digong. Hindi siya sumuko hanggang sa huling usok ng katol.
Bago tuluyang nalagutan ng hiningi tinura nya ang mga katagang Nothing can stop the mosquito with the right mental attitude from achieving his goal; nothing on earth can help the mosquito with the wrong mental attitude.
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ilang politiko ang nagmukahi na siya ay mapabilang sa pet society.
Pero lingid sa kaalaman ng buong kalamukan, natutunan ni Digong ang isang kapangyarihan bago siya isinalang sa katol chamber. Nagawa niyang isalin ang kanyang DNA sa pamamagitan ng pag-kagat sa isang tao
Na ngayon ang taong iyon ay isa nang pinuno ng isang malaking hukbo. Isang pinuno na isinugo ng bayan upang tipunin at pag isahin ang nagkawatak watak na mga lumang emperyo
Ang Lamok na kakagat sa mga alibughang mga tao.
SOURCE: I-N-FO-G-R-AP-I-X
Post a Comment