Saturday, May 21, 2016

2 U.S. war ships arrived in the Philippines

Duterte Sponsors
Ang nasabing mga barko ay may lulang mga guided-missiles ayon sa AFP.
Nasa bansa ngayon ang dalawang barkong pandigma ng U.S para sa routine port visit ayon sa Armed Forces of the Philippines.


Kasalukuyang nakadaong sa Alava Pier sa loob ng Subic Bay Freeport ang guided-missile destroyers na USS Chung-Hoon (DDG-93) at USS William P. Lawrence (DDG-110) makaraan silang dumating sa bansa kaninang alas-nuebe ng umaga.

Ang nasabing strike group ay dumating sa bansa tatlong araw makaraang harangin ng dalawang Chinese fighter jets ang isang U.S reconnaissance plane sa bahagi ng West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ng U.S na sila ay nasa international space pero sinalungat naman itong China sa pagsasabing nasa loob ng kanilang teritoryo ang nasabing U.S plane.

Hindi naman nagbigay ng dagdag pa na detalye ang AFP sa kung gaano magtatagal sa bansa ang nasabing mga U.S Vessels.

source: (Radyo Inquirer)

Post a Comment

 
DUTERTE NEWS © 2015 - Designed by Templateism.com | Distributed By Blogger Templates