Duterte Sponsors
Ngayon ko lang to isheshare sa inyo please dont hate me, matagal na po itong nangyari, now i am speaking up...... frown emoticon2008, nagbakasyon ako sa davao kasama ang aking mga kaibigan.. nagpunta kami sa napakagandang island. pagdating na pagdating pa lang namin, nagkayayaan na kaming magkakaibigan na maligo kasi sobrang ganda talaga ng tubig!! so habang naliligo kami at nagkakasiyahan, biglang napasigaw na lang ako sa sakit, nasugatan pala ang paa ko kasi may coral reef ako na natapakan..(imagine ang babaw pa lang namin may coral reef na?!) so nagpapanic ako kasi dugo ng dugo yung paa ko, at ang ingay ko talaga kasi sobrang sakit.. ng biglang may lumapit sa amin na dalawang lalake.. "miss ok ka lang?" sabi nung isa.. he was a gentleman. brusko. sobrang bait grabe.. pero syempre deadma lang ako sa charm nya kasi during that time may boyfriend ako. "pare, pakikuha naman yung first aid kit sa bangka para magamot natin si maam" sabi nya sa kasama nya.
Natapos na nya gamutin yung paa ko. "uy thank you talaga ha, papano na kung wala kayo dito, baka naubusan na ako ng dugo" (i sounded oa pero wala na ako masabi pa e) "ok lang yun maam, napataon naman na may pinuntahan kami dito ng bestfriend ko. ako nga pala si sebastian duterte, but you can call me baste. at ito naman bestfriend ko, si frankie" so isa isa din kami nagpakilala sa kanilang dalawa. "i assume taga manila kayo" sabi ni baste. "naku hindi, mga taga cavite kami" sagot ko naman.. "ah ganun ba? welcome to davao! sana ma enjoy nyo dito. tara hatid na namin kayo sa cottage ninyo." sabi ni baste. so hinatid nila kami. pero bago sila umalis, he asked me kung pwede ba daw kami ma invite sa bahay nila for dinner.. "don't worry, hindi naman kami masasamang tao. ganito talaga mga davaoeƱos, mababait sa mga turista" nagkatinginan kaming magkakaibigan, our eyes were asking each other if we will say yes or refuse. so we ended up saying yes. sayang din naman kasi ang libreng dinner. LOL. " okay po maam, may sarili po kaming bangka, pwede naman po sumabay na din kayo palabas ng island.. aalis po tayo ng 4pm kung ready na kayo. kung hindi naman po, pwede naman kami mag intay kahit hanggang 5" sabat naman ni frankie. syempre nahiya kami so we were ready by 4pm. at umalis ng island.
Habang nasa bangka kami, nahuhuli ko si baste na tingin ng tingin sa akin! so ako, naiilang ako kasi hindi ako sanay na tintingnan ng ganun kasi di naman ako kagandahan. wala naman pumapansin sa akin normally. swerte ngang nagka bf pa ako during that time. charot! hahaha! pero hindi ko alam pero pakiramdam ko, may crush sakin tong lalake na to.. pero again, deadma lang ako kasi ayoko magkasala sa bf ko. pero ang hirap talaga deadmahin. imagine, topless sya, tapos labas yung abs. sobrang sexy kayang tingnan. tapos gulo gulo lang yung buhok nya, hindi inaayos pero ang sarap nyang titigan.
So dumating na kami sa kanila.. simple lang yung bahay nila. halata mong hindi mayaman, hindi din mahirap. "uy sandali lang ha, kasi hindi pa nailuluto lahat ng putahe, late na kasi ako nakapag advise na maghanda ng dinner para sa ating lahat. pero saglit na lang daw.. i know gutom na kayo at ginabi na tayo." medyo worried nyang sinabi sa amin. syempre kahit super tomjones na talaga kami, sabi namin keri lang naman, makakatiis pa. kahit ang totoo eh namuumutla na labi namin sa gutom hahahaha!
hindi nagtagal, naluto na din lahat ng food. so pinaupo na kami sa mesa. sa mesa talaga pinaupo? hindi sa upuan?! hahah! anyway, ang daming lafannnggg! puro seafoods. paborito ko pa naman yung hipon. nung una pa girl pa ako, nung di ko na kinaya, kumain ako ng bongga. bahala na, kahit nahuhuli ko pa din syang tingin ng tingin sa akin.
Patapos na ang lahat kumain ng biglang may matandang pumasok ng bahay. medyo nakakatakot yung dating nya, reminds me of my tatay. parang ang sungit, parang di makangiti..ganung ganun din kasi tatay ko nung malakas pa. tumayo si baste at nagmano sa matanda.. pinakilala nya sa amin "tatay ko nga pala." tapos isa isa nya kami pinakilala. tinanguan lang kami pero hindi pa din kami nginingitian man lang ng tatay nya. tapos darechong pumasok sa kwarto. "naku badtrip yata tatay mo kasi nagdala ka ng bisita, eh ngayon mo lang kami nakilala" sabi ko kay baste.. "hindi, mabait naman si tatay. pagod lang yun madami sigurong ginawa sa munisipyo today." sabi nya.. "ah sa munisipyo nagwowork dad mo?" tanong ko. "oo, mayor sya dito sa davao" sagot nya.. "oh my God! really?" lahat kami nagulat. nagulat in a sense na, sa dami ng politikong nakilala ko ng personal, wala ni isa ang kasing simple ng pamumuhay ng pamilyang ito at kasing low profile nila. so medyo nakaramdam ako ng paghanga sa kanya, kumabaga pogi points sa akin yun e. yung hindi mayabang. simple lang. yun kasi ang gusto ko sa isang lalake..
Tapos na lahat kumain, nasa mesa na lang kami at nagkukwentuhan, pinatawag ni mayor si baste sa room nya.. ako naman ay nag cr.. may tao pala sa cr kaya nakatayo lang ako sa may pinto, waiting na matapos yung gumagamit. habang nag iintay, yung room pala ni mayor yung katabi ng cr. narinig ko parang kinagagalitan si baste. something like " ikaw baste, kilala kita. di ka basta mag invite ng babae kung wala kang gusto. iba ang tingin mo dun sa joana e. hindi ko gusto ang dating nya, parang may tinatago. baka may boyfriend yan. baka mapasabit ka pa dyan. tigilan mo yan ha. pag nalaman laman ko lang na push mo yan, naku bahala ka sa buhay mo" nanlake talaga mata ko nung marinig ko yun. naintindihan ko ung dialect nila kasi marunong ako magbisaya. na hurt ako. sobra.. iniintay ko magsalita si baste, pero hindi sya sumagot. finally, nakapag cr na ako.
so natapos ang masayang unexpected dinner with sebastian duterte. hindi ako nagpapahalata kay baste na narinig ko sinabi ng tatay nya. nagpaalam na kami kasi kinabukasan, maaga ang flight namin pabalik ng manila. "ihahatid ko na kayo jo" offer nya. "wag na walking distance lang naman papuntang hostel, dyan na lang naman sa kabilang kanto" (hostel lang kasi nagtitipid kami e haha) sagot ko sa kanya. "ok lang, gusto ko din maglakad lakad para bumaba yung kinain ko, sobrang dami ko nakain e. saka para mas makasama pa kita ng matagal" medyo kinilig ako sa sinabi nya pero hindi tama. so deadma uli. ngumiti lang ako at sinabing "ikaw bahala." un na lang naisagot ko.
habang naglalakd, nauuna mga kaibigan ko, kami ni baste ang magkasabay maglakad. "jo, pwede ko ba makuha number mo? para kung mapadpad kami ng manila, pwede tayong lumabas at kami naman maipasyal mo doon" medyo alangan ako, but i still gave him my number.. kung alam nya lang, wala din akong alam sa manila! hahahaha! pero bahala na. deep inside me, gusto ko pa talaga sya uli makita.. kahit nababahala ako about that feeling kasi nga commited ako sa iba. pinairal ko pa din un kalandian. LOL
we finally reached the hostel. time to say our goodbyes. we hugged each other, as well as my friends. nagpasalamat kami sa kanila. "paki thank you na lang din kami kay mayor ha, nakatulog na yata hindi na tuloy kami nakapag paalam" sabi ko. " ok lang yun, sabihin ko na lang sa kanya bukas". then umalis na sya.
Hindi ako makatulog nung gabi na yun, kasi was thinking of him. ang bango bango nya kaya. kahit medyo untidy looking sya fresh na fresh yung amoy. lalakeng lalake yung scent. ay ano ba yan! nagkakasala na talaga ako.. ayoko na. hindi ko na sya iisipin. pero talagang pumapasok sya sa isip ko..
Kinabukasan, flight na namin ng manila.. so pumunta na kami ng airport. papasok pa lang kami, laking gulat ko ng makita ko si baste doon! oh my God! sa loob loob ko.. ano ginagawa nito dito? nagkataon lang ba? o pinunthan nya talaga ako? or kami? waaaah. grabe i was so confused..
Lumapit sya sakin.. then he just hugged me. so tight. sabi nya.. "joana, alam kong may boyfriend ka.. willing ako mag hintay sayo because i think i love you. totoo pala ang love at first sight. please, tell me, may pag asa ako sayo?"
Omg. hindi ako nakasagot.. pero i wanted to say "yes! meron!" but sh*t, papano? may bf nga ako? at mahal ko sya.. pero mahal ko nga ba sya? kasi kung oo, bakit may nararamdaman ako para kay baste?
Ang tagal ko pala hindi nagsasalita..
Natigilan na lang ako.. ng bigla nya akong halikan. sa harap ng maraming tao, at harap ng mga kaibigan ko.. naiyak ako..
naiyak na lang ako kasi..
BIGLA AKONG NAGISING! ALAS 5 NA PALA NG HAPON, PANAGINIP LANG PALA LAHAT TO.. TOINKS. HAHAHAHAHAA! ANG SADNU? HAHAHAHA! INFAIRNESS, MAY NAGAWA AKO DURING THE ATTACK OF MY INSOMNIA. HAHAHA! LOVE YOU BASTE.
and i love you. you! reading this. sorry nadamay ka pa sa kalokahan ko. cry emoticon
this is my #dutertestory in my dreams hahahaha! smile emoticon
tutulog uli ako.. bka madugtungan yung story.. hahaha
ps: please don't comment po na panaginip lang so they will read the whole thing hahahaha
By: Joanna Marie Venegas
Post a Comment